Press Release
May 6, 2010
Ilang araw bago matapos ang panahon pangangampanya para sa halalan sa Mayo 10, 2010, muling inulit ni Bukidnon Representative at Liberal Party (LP)
senatorial candidate Teofisto “TG” Guingona III ang kanyang paninindigan laban sa katiwalian at kurapsyon.
Sa programang “Harapan” kung saan nakaharap ni Guingona si Pia Cayetano ng Nacionalista Party (NP), sinabi ni Guingona na tulad ni Noynoy Aquino at ng mga kasamahan nito sa Liberal Party, ito ay naniniwala na kung walang corrupt, walang mahirap.
“P280 bilyon ang nawala noong 2009 dahil sa korapsyon, Sa P280 bilyon, lahat ng bata mabibigyan ng de-kalidad na edukasyon, lahat ng maysakit makakapagpagamot, at lahat ng Pilipino makakakain nang sapat,” pahayag ni Guingona.
Ayon sa mambabatas, mahigit sa walong milyong pamilya ang nagsasabing mahirap sila. Apat na milyong households ang nakaranas ng gutom.
“Kung walang korapsyon, lalago ang negosyo (lalo na ang maliliit na negosyante, tulad ng tricyle operator at tinder sa palengke), dadami ang trabaho, lalaki ang income. Mababawasan ang kahirapan.
Kung walang korapsyon, mas maraming pera ang gobyerno para sa edukasyon, kalusugan at pagkain. Mababawasan ang kahirapan,” dagdag pa ni Guingona.
Sinabi ni Guingona na ang pagsugpo sa korapsyon ang simula sa pagsugpo ng kahirapan. Kaya naman konkreto ang kanyang mga plano at programa sa pagsugpo ng katiwalian. Ipagpapatuloy nito sa Senado ang kanyang sinimulang pakikipaglaban kontra kurapsyon.
“Ang badyet po ay isang batas. Sisiguraduhin ko na mas maraming pera ang mapupunta sa pagsugpo ng kahirapan. Lalabanan natin ang katiwalian sa
pamamagitan ng pagreporma sa proseso ng pagbabadyet para ang pondo ng gobyerno ay hindi mapunta sa pansariling interes, at pondohan ang mga ahensiya na lumalaban sa korapsyon para magawa nila ang trabaho nila nang mabuti,” pahayag ni Guingona.
Ayon pa rin kay Guingona, ang hanay ng Liberal Party ay naniniwala na kailangan natin ng Pangulong may integridad at kakayahang tapusin ang korapsyon at kahirapan. Isinusulong ko ang pagreporma sa badyet. Noong 2009, P280 bilyon ang nawala dahil sa korapsyon. Kung napunta lamang ito para sa sa edukasyon, kalusugan at pagkain, marami nang Pilipino ang makakawala sa kahirapan.
Add comment